
Isa sa pinakamahalagang bagay na ginagawa ng tao sa araw-araw na pamumuhay ay ang pagsasalita lalo na sa ating mga Pilipino. Ito ang paraan upang makapag-hatid tayo ng mensahe sa ating kausap at sa ibang tao o hindi naman kaya ay sumagot sa tanong ng iba. Sa paglipas ng panahon, maraming nagbabago, maraming teknolohiya ang lumalabas at marami ring unti-unti ng nawawala tulad ng mga salita. Salita na nagmula sa ating mga ninuno bilang ating pagkakakilanlan sa ating pagka-Pilipino.
Narito ang sampung salita na maaring i-halimbawa sa mga salitang hindi na madalas nasasambit at nagagamit ng mga Pilipino:
1. Iwinawagayway– pagapapagalaw ng isang bagay pakaliwa at kanan. Madalas itong ginagamit sa watawat.
Hal: Iwinagayway ni Jose ang watawat ng magsimula na ang seremonya.

2. Kumakalabukab– pag-iingay ng mga palaka na ginagawa nila madalas pagkatapos umulan o habang umuulan.
Hal: Kumakalabukab na naman ang mga palaka sa sapa.

3. Pinagpinamamagaspasan– maduming lugar ng mga manok.
Hal: Nasa pinagpinamamagaspasan na ang mga manok na nakawala kanina.

4. Dagibalniing-liboy– ‘electromagnetic wave’ kung tawagin sa ingles.
Hal: Pinag-aaralan ng mga estudyante ang dagibalniing-liboy sa asignaturang agham.

5. Hatinig-telepono, ginagamit sa pakikipag-usap sa malayong distansya.
Hal: Nakausap ko sya gamit ang hatinig sa bahay ng aking lola.

6. Anluwagi-karpintero, gumagawa ng mga bahay.
Hal: Bukas nakatakdang gumawa ang mga anluwagi sa bahay namin.

7. Salipawpaw-eroplano, transportasyon sa himpapawid na naghahatid sa mga tao sa ibang lugar.
Hal: Sa salipawpaw sumakay ang aking tito papunta ng ibang bansa.

8. Nakikipagsiusyosohan- nakikipagusap
Hal: Masayang nakikipagsiusyosohan ang mga babae sa isa’t-isa matapos ang misa.

9. Katipan- magkasintahan
Hal: Marami akong nakitang mga katipa nung araw ng mga puso.

10. Butsaka- bulsa ng pantalon o kahit anong damit
Hal: Nabutas ang kaniyang butsaka matapos niyang maglaro.

Ilan ito sa mga halimbawa ng mga salitang nakakalimutan ng gamitin ng mga Pilipino.
Liptint’s vlog: https://m.youtube.com/watch?v=DxysEwaazng
